Wednesday, April 11, 2007

Masaya.

Happy. Uber happy.

inlove.. and being loved. hehehe. wala lang.

tinamad na kasi akong magblog eh.. hihih. amf!

kwento nlng ako next time. :0 visit nlng multiply ko for updates.

_28

Thursday, August 17, 2006

HAPPY.

Being happy doesn't mean everything is perfect. It means you have decided to look beyond the imperfections. -_-'

Friday, July 21, 2006

realization..

Minamahal kita ng hindi mo alam,
Lalayo nalang ako para hindi masaktan..

:(

Monday, July 03, 2006

:(

tired..

Saturday, June 17, 2006

totoo. :)

my pasok na. totoo nto. papkatino n'ko. hehe. :)
goodluck sakn sa accounting, mangement at econimics.
pati narin sa stat, rizal at literature...
philo pa pala at comp. hahaha. kakaloka. mamahal pa ng libro.. argh!!!

mamimiss ko mga lakad nung vacation.. haaaay.

ui karyl, nakakamiss ka rin pla. hahah.

Wednesday, June 14, 2006

Pics. ;)




FOR MORE PICTURES.
visit my multiply site...
my pasok na.. wahaaha. dnko madalas makakapagnet. argh! :)
byebye summer! hello pasukan! hello uste!

Wednesday, June 07, 2006

Summer is over.

Tapos na summer vacation.

Parang biglang bumilis yung araw, dati nung hindi pa nag-eenrol grabe.. kung alam niyo lang kung gaano ang excitement ko. I wanna see my friends in college narin kasi and most of all, bond with them again. :) Wala lang. 2 months din kaming hindi nagsama-sama eh. ^___^

May 30 - Lumuwas na'ko, doon n'ko natulog kila tita sa Quezon City.

May 31 - Pupunta sana ako ng USTe, kasi enrolment ng Accountancy, para magkitakita kami, kaso nung tanghali na, tinamad ako kasi parang uulan na, ayon, d n'ko nakapunta. Tapos biglang tumawag si tita, hindi pa nga kami naliligo ng mga pinsan ko nun eh.. punta daw sa Glorietta, then yun..madaliang ligo.. hehe.. ikot-ikot-ikot-ikot lang. sumakit paa ko. Tambay sa starbucks, caramel frap, gnoon. hehe. tapos umwi narin.

June 1 - Syempre I'm urged to go to UST na, kaya maaga palang naligo na'ko. Oo naman noh, kesa naman malate ako, enrolment na namin yun. Tapos nagsabay kami ni Elka papuntang UST nagkita nalang kami sa 711 sa Visayas Ave. kasi dun yung malapit na sakayan. then ayun.. enroll kami, inantay namin si Jamie, kasi 8 o'clock usapan namin, eh 7:30 palang andon na kami ni Elka.. haha. Excited ba. ;p tpos Handball PE namin, then 34, 182.40 yung tuition compared last year na 27,000 plus lang kami o hindi pa umabot ng 27,000.. waaaaaaaah. hindi nga ako nag-cash eh.. kakatakot kaya.. hehe. then kain lang sa KFC tapos umwi narin kami.. *napagod*, nagkita kami ni Mama sa SM North tapos nagbus kami pauwi dito sa Nueva. :)

June 3 - Debut ni Dianna. Kaso inulan, hindi na tuloy nag-program. Kumain nlng kami. Madami din naman kami eh.. yung pics saka ko na i-uupload pag nasa dorm na kasi ang bagal ng net dito eh. hehe. ;) mga 9:30 na kami nakauwi nun. Sakit pa sa ulo kasi na-ulanan kami noong buili ng gift para kay Dianna. ayon, d ko na hinatid yung mga kasabay ko papunta kasi dala naman na wheels si Kenneth. Sakanya na sumabay sila Nessie, Justine, Gerald at Jehoram. :) Sila Benben naman hinatid ng daddy ni Dianna.

June 6 - Debut ni Abbey. Punta kaming Sta. Rosa. Hinatid ako nila Mama sa Pacific kasi sabi ko andon sila JM, kaso si Karlo nlng andon, kasi nagtuloytuloy na sila JM ska sila Kenneth sa Sta. Rosa, kaya kami nlng ni Karlo ng jeep kasi hindi niya alam bahay nila Abbey. Una, dedma pa si Karlo kay Kenneth, kasi nabadtrip. Hehehehe. Tapos masaya naman... saka narin yung pics pagdating ko sa dorm. :)

June 7 - Nagpagupit ako sa Cabanatuan. Hahaha. Ikli nung harap, nilayered eh. ;p

June 8 - Ngayon.. Pumunta kong CLSU kanina, sana magjijeep lang ako. Kaso sa sobrang tagal, nainip si Papa, pinagamit sakin yung kotse pero syempre may driver kasi wala pa'kong lisensya eh. Hahahaha. Tamad kasi kumuha. Tapos yun, pina-repair ko yung uniform ko dun sa kasama ng tita ko sa apartment niya. Nagkita-kita din kami.. Sinundo namin si Kenneth sa bahay nila, tapos hindi kasi ako pinayagan na mag-tagal kaya nagpaalam ako sa kanila na hanggang 1:30 lang ako, tapos ayaw nila.. Kaya sabi ko, "Sumama nlng kaya kau sa bahay".. at ayun, PATAY! sumama nga.. hahahaha. Sina Kenneth, Karlo, JM at Jef.. kala ko nga hindi papayag si mama eh.. pero pumayag naman.. tapos yung miryenda. trip. YM. send ng pics. kwentuhan. libot. yun.. gnun.. tapos hinatid ko sila sa sakyan ng jeep. [doon sa sakayan ng jeeep.. hahaha]. Tapos ba naman, si mama, tinanong sakin "hui.. sino boyfriend mo dun sa mga yun? umamin ka.." hahaha. para naman meron diba, naku.. :) hahahahaha. kakatawang mga tanong na ganyan.

****

Gala days are over. Monday -Saturday nanaman ako nasa class. Sunday naman may NSTP ako. Tuesday ko nga 7-9 then 11-5 yung sched ko. Nice di ba? haha. Another school year, may dagdag din sa section namin. Sana mababait sila. Hehehe. FMid parin kami. 2FMid na! hehehehe. kami parin magkakasama, sa hirap at ginhawa. sa kopyahan, assignments, projects, debates, moments at marami pang iba. haha. *ulool* cge na. nagugutom n'ko.. hehehee. Luwas siguro kami sa Sunday, magdadala ng gamit sa dorm. Para sa 13(Tuesday), magbubus nlng ako. Hihihihi. Galiiiing. Babay.


*SAKA NA YUNG PICS PAG UWI KO NG DORM. :O*

Monday, June 05, 2006

de-an at 18. =)

Happy Birthday Dianna.



nec. me. dianna. justine.



neth. ako

more pics next tym.. sama na pakiramdam ko eh.

Saturday, May 27, 2006

='(

Ewan ko ba. Bad mood talaga ko simula kagabi.

Luluwas n'ko sa 31. Yeeehes. Enrolment na sa 1 eh. Ayun.

Friday, May 26, 2006

True Friends?

Ngayon ko napagiisip-isip.. Sino nga ba 'yang mga TUNAY na kaibigan ko?

Ako yung taong hindi namimili ng kaibigan. Kung sino yung dumating, kung sino yung andyan, kung sino yung alam kong turing sakin ay kaibigan, kung sino-sino.. Madaming reason at sa dami na yan, matagal mo pa palang malalaman kung sino-sino yung tunay mong kaibigan. Ewan ko ba.

These past few days, napagiisip-isip ako. Nakita ko kasi ulit yung letter ni Jamie Joy nung third year, parang sabi niya don.. "Masyado kang mabait sa mga kaibigan mo, yung iba sumosobra na, baka ikaw ang mapahamak sa huli.. ikaw din ang magsisisi.." Matagal ko tong iniisip. Sino sa mga kaibigan ko yung "sumusobra" na sinasabi niya. 3rd year high school pa yun. Saka my new set of friends na ako, my mga ka-close ako ng sobra ngayon, na hindi ko napapansin or hindi kami nagpapansinan dati. I have my bestfriend na rin. Nawala ng yung kunyaring mga "bestfriend daw" noon. I dunno. Hindi ako yung taong nang-iiwan sa ere at sana, hindi nila ko iwan sa ere.

I can't live without my friends. Ayokong mag-isa. Ayoko ng malungkot. Ayoko yung nag-iiwanan. Ayoko ng may nag-aaway.

Kanina, pumunta kaming Cabanatuan, kasama ko sila Justine, Benben at Paul. Nood lang kami DaVinci Code. Kakaantok siya actually. Bakit kaming apat lang? WALA LANG. Dapat ng swimming 'yan eh.. kaso hindi natuloy. DRAWING nanaman. Yung nag-aya pa unang nagback-out, hindi naman kami makapag-set kasi baka walang magpunta, sayang naman paghahanda. Marami kaming inaaya. Kaso, ayaw nila. Ewan ko ba. so, ayun sa Cabanatuan nalang kami tumuloy, bali 9:00 umalis ako dito sa Rizal, mga 9:45 nasa CLSU nako., ooops. naka-jeep ako nyan. take note. haha. 1st time ko, pag galing dito sa amin. Tpos mga 10:30 na ata kami naka-alis sa CL kasi pinuntahan ko si Justine tapos inantay pa namin si Benben. Ayon.. Para kong chaperone noh? haha. Wala kong partner eh.

Tpos nasa Valdefuente palang kami, nagtetext na si Paul, asa Circles na daw xa, galing kasi sa Bulacan. Tpos ayon, matagal na siya don nung dumating kami. Nanood kami, nagikot ikot, kumain, humanap ng gift kay dianna na wala naman nakita.. tapos umwi na. Nagbaliwag kami, d erkon ah. hehe. No choice na eh.

Tapos yung sa bus, napagusapan namin ni Paul mga sama ng loob sa mga katauhan sa mga paligidligid ng mundo. LOL. Confidential na yun. Haha. tapos yun. baba ako sa talavera, sa petron ng tito ko. ayoooon. end. :0


Tungkol sa unang topic kanina.. ewan ko. pinagiisipan ko padin. =/

Tuesday, May 23, 2006

TINATAMAD AKO.

may nalaman ako sa blog ni karyl.. awuuuu.. ahaha. grabe. nanlambot ako sa entry na 'yon ah.. waaah.. sige. saka na kwento, tinatamad ako magtype. :p

Thursday, May 18, 2006

isa pang walang kwentang araw.

wala akong ginawa. nagpakabum parin dito sa bahay. di naman ako maka-gala. wala pa sila justine. hindi rin ako tumatagal sa tindahan.. ewan ko nga ba.. kaya ko napapagalitan..kasi lagi ako dito sa kwarto.. oo na, aaminin ko.. tumaba nanaman ako. madami ng nagsabi. caan't resist chocs nd ice cream.. shet talaga. kung pwede lang.. hindi na ko talaga kakain.. promise na.. hindi na ko magsosoftdrinks.. saka onting rice nlng kakainin ko.. kelangan kong pumayat.. GOAL pare! ineed to. i wanted to. and i should. :)

wooohoo.. ilang araw nalang.. dadating na yung mga nagsummer.. may gala nanaman.. ahaha. tapos nagtext si dianna kanina.. nagaaya birthday nia sa june 3. debut. sa bahay nila.. 6pm.. yeah.. payagan sana ko, pero sinabi ko narin naman kanina.. okay na siguro yun.. *wink*



black color ng nails ko ngaun.. astig noh? haha.. pero tatanggalin ko na siguro sa saturday.. xempre.. nakakahiya.. saka na ulit.. hahaha..


oooops. 18 na ngaun. haha.

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY CHARIS MAE TOLENTINO - May 22
ADVANCE HAPPY BIRTHDAY RONA GAIL UY - May 23



PHOTOSHARE (edited stuffs):

september 25,05
noon pang september. (edited the bground).
blak nails
look at that nails. bwahaha.

Sunday, May 14, 2006

kalabaw?

masarap pala kalabaw. bow!

[ako at ang friend ko - cari-carabao =p]

naka-kain ako ng kalabaw kanina. tapang kalabaw. akala namin nila mama usa eh. aun.. kalabaw pala.. masarap naman.. cara-beef.. waaaah. mas hindi pa daw macholesterol. ah basta. aun.. :) changed my blog's skin. wala lang.

happy mother's day to all the moms out there..


happy mother's day, mama! =) iloveyou!
antagal namin makakuha ng matinong shot kagabi. hehe.
eto na pinakamatino. (matino nga b?)

Friday, May 12, 2006

Ka-ILOVEYOU daw.

masarap ang pakiramdam


kapag may ka-iloveyou ka..

kikiligin..

sabay sabi ng

"yngat ka".


pero kung wala..




EH ANO NGAYON.?!



pwede namang




"ILOVE ME! MAG-YNGAT AKO!"


haha. kakatawa yung quote eh. galing kay gemma. yeaha. mga single eh! hehe. talagang ganun. :) mwah!

Thursday, May 11, 2006

nakakawalang gana.

  • mag-eexpire visa ko sa february 2007. kailangan ko pa magpa-interview ulit kasi wala na yung drop box sa US embassy. bago na policy. kailangan ulit magpa-interview. panu pag hindi na-approve-an., sila mama nalang makakapuntang US.? ako? maiiwan dito. shet. yoko nun. gusto ko pang bumalik. :( i hate the new policy. shet!
  • mahal yung tuition fee kung dun ako magaaral. tumawag si tito kanina tapos tinanong ni mama tungkol dun sa plano. mahal daw tuition pag international student . halos times 3 ng immigrant students. :( haaay. $15000 per sem? hindi kaya. mamumulubi sila mama.
  • ang daming papers. ang daming aasikasuhing papers. ang hirap yata. madami pang tests. :(
  • sheeeeeeeeeeeeyt!

wala na. ust n talaga ko. :) d ko alam kung magshishift ako. d ko alam gagawin sa buhay ko. waaaah. desidido na kasi ako yung sa us, na offer ni mama. sana may iba pang plano. may sinasabi sila sa australia. pero ewan ko. bahala na. :) kelangan kong magkaplan para sa future ko.. kelangan ko ng trabaho para makatulong sa 'rents ko..huhu. bahala na...

roller coasters


universal studios, florida

love the coasters. haha. ansaya. :)



hulk. revenge of the mummy. duelling dragons.

nasakyan ko lahat yan. weepee. faced my fear dati, nung 1st visit ko sa states at ngaun. love ko na sila. ilang beses pa sakay. haha. la lang. sharing.

nasa japan na yung panget. sakit ulo ko kanina. muntik pa ko mablak awt habang naliligo. ewan ko ba. yun. buti hindi ako bumagsak. yoko pa ma deds. haha!